Sabado, Disyembre 19, 2009

Hindi ako makatulog...

Hindi ako makatulog... 2.30 na patuloy pa din ang pagtakbo ng diwa at imahinasyon ko sa kung ano anong mga bagay... tumatakbo ba o naiisip ko lang na tumatakbo? talaga bang hindi ako makatulog dahil may iniisip ako o iniisip ko lang na nagiisip ako para di makatulog... hindi ko alam... hindi ko talaga alam...

Patuloy na sumasagi sa aking isip ang mga buhay ng mga kaibigan kong mga bata (mga kabilang at di kabilang sa aking "research")... nasobrahan na ata ako sa kaka"internalized" sa mga buhay nila... ninanais kong maikwento ang mga buhay nila sa kung papaano nila ito nararamdaman, sa kung papaano nila ito isinasabuhay at anong kahulugan ng mga ito para sa kanila... patuloy kong tinatanong ang sarili ko, hanggang saan ko dapat damdamin ang kanilang mga karanasan... di ko maitatanggi na naging libangan ko na ang pakinggan ang mga paguusap namin, alalahanin ang bawat matalinhagang mga salita at subukang bigyang kahulugan ang mga ito... Di ko maiwasang mapagtanto minsan na kaibigan ko sila... nakakalimutan kong sila ang aking pinagaaralan... nakalimutan kong mananaliksik ako, sa halip naging bata muli ang aking diwa kapag napapaligid sa kanila...

Kung ano ang naglalaro sa isip ko, di ko din maintindihan... magulo... labo labo... ngunit alam kong tungkol ito sa kanila... sinusubukan kong pumasok sa mundo nila, ngayon masasabi kong isa na ko sa kanila... Sa pagnanais kong maramdaman ang saloobin nila...

Sa wakas, dinalaw din ako ng antok... di ko na palalampasin, baka makatakas pa... ADIOS

Huwebes, Disyembre 3, 2009

Uri ng Pag-ibig

Sa tinagal tagal ng panahon, lagi kong naitatanong sa sarili, ilan kaya ang "type" ng "love"... parang ang dami dami kasi... yup, mga uri ng pagmamahal... di kasama ang presyo ng bilihin dyan... mahal... hhhmm... o kaya yung pamasahe... mahal... naalala ko dati dos lang ang pamasahe, ngayon 7 na... di ako magtataka, baka next 5 years 25 na yan... at dahil dun di na lalabas ang mga tao at mauuso na ang bisikleta... ayos... nawala nanaman ako... anak ng butanding sa breakwater... balik balik... ano ba ang mga uri ng pagibig? o mas magandang tanong may uri ba ang mga ito? o iisa lang at maraming paraan lang pedeng ipakita? di ko sasagutan lahat yan... di naman to essay o takdang aralin sa elementary... susubukin ko lang ibahagi ang aking saloobin sa mga katanungan na yan... kaya di ko sinagot... umepal lang ako... natatandaan nyo ba nung mga bata pa tayo at crush natin ang katabi mong opposite sex? yup, ganun halos ang nangyayari, yung katabi yung nagiging crush... pano ba naman e ilang oras mo kasama yun, memorize mo na ang hilatsa ng mukha... basta yung opposite sex... pero kung lahat kayo e mga lalaki sa klase malaking problema yan... kahit saan ka tumingin puro mga espada... malamang sa hindi may lalabas talagang "jedi night" sa klase nyo... anu yung? sila yung mga taong gusto ng mga light saber ng iba... di mo pa din magets?! Tumambay ka muna sa mga kanto, madaming wisdom kang makukuha dun... yup, punong puno ng wisdom ang kanto, ang tambayan... di lang natin alam... ako, tambay ako sa harap namin nung wala pang laptop at marami akong natutunang mga "makamundong pamamaraan"... in english, "ways of the world"... masarap tumambay dahil nakikita mo ang ibang "side" ng mga tao pag gabi... nanyan ang mga "lovers" na nakatambay sa tulay... na minsan nakita kong nalaglag yung babae... nagaaway kasi sila, tong si babae nagala juliet na kasinghaba ni rapunzel ang buhok... nageemote emote na tumatakbo at umiiyak... to namang si lalake nagpapakaromeo, hinahabol yung girl... parang nag mamatamatayataya lang yung dalawa... nung malapit ng mataya nung lalaki yung babae, nadulas si babae at nalaglag sa tulay... syempre sinalo ni lalaki... parang telenovela lang, yung type na kapag nalaglag o nabunggo yung bida e magkakaamnesia... lahat ganun, kung di mammatay may amnesia... makalaglag panga yung mga eksena... true to life... reality show talaga ang dating!... tapos to namang si girl hanggang hongkong ang haba ng hair... nagiinarte pa din... "bitawan mo ko, di kita kailangan!" aba! parang winner sa beauty contest yung babae, ang taas ng ereng gumawa ng eksena.... at dahil mahal ng lalake yung babae, o talgang tanga lang yung lalake... binitawan nya... ayun... parang basurang nalaglag sa tulay yung babae... plok... buti kamo nalaglag sya sa mga basurang lumulutang sa ilog... di siya namatay... di din nagkaamnesia... yun nga lang, namaho ng sobra... nung narescue na ng mga tanod yung girl... bumanat sa bf nya... "bakit mo ko binitawan!" at nageemote pa din... pero di mayakap nung lalake, ewan ko kung dahil di na nya mahal yung babae o narealize nyang nagpakatanga lang siya o dahil mabaho na yung babae... ewan ko sa kanila... ang ending, naglakad sila pauwi habang umaalingasaw yung amoy nung babae... walang taxing gustong magsakay e... ayan nanaman... nawala nanaman sa topic... balik sa crush... napansin ba na ang mga crush mo e yung katabi mo talga? parang na"imprint" ka na sa kanila... ika nga natrain ng maging crush mo siya... o kaya yung crush mo e yung crush ng lahat... ganun naman talga... pag gusto ng isa, magiging gusto ng lahat... kaya pag elementary uso yung ipagkakalat yung crush mo... para malaman ng lahat na ikaw ang nauna sa kanya... parang "akin yan!" kasi pag walang nakaalam, baka unahan ka pa... unahan yan... napansin mo din ba na ang mga taong inaaasar sayo e nagiging crush mo din kahit di mo gusto nung una at yung mukha e nakakasukasok talga... siguro kasi sumusunod ka sa uso... yung tipong uso ang asarin kayo at nung panahong yun e ikaw ang center ng asaran kaya naman na"force" kang maging crush mo talga para ikaw pa din ang topic ng asaran... kahit ang labas nyo e beauty and the beast... hitting 2 bird with one stone yun... nagkacrush ka na, naging in at sikat ka pa... walang pakialamanan sa mukha ng inaasar sayo... basta mukhang tao at di mukhang hayop pede na... kasi alam nila na joke joke lang din sa huli... kahit na may uhog pa yung inaasar sayo... pede na yun...

naiisip ko, pareho lang ba ang crush sa puppy love? ano ang tagalog ng crush? yung puppy love e "katutang pagibig" ata ang tagalog... pareho lang kaya yun? napansin ko pag mga grade 6 papuntang HS e yun yung time ng mga puppy love... yung crush, pang lower elementary yun ata... bakit kaya puppy love ang tawag? bukod sa nais nyong magkatuta sa huli, bakit puppy love? amoy aso na ba yung mga tao sa panahong yun? kaya puppy love? kailangan bang i adopt yung mga yun, parang sa farmville lang... nagtataka naman ako sa farmville, pati mga elepante e inaalagaan... at ang makukuha mo sa mga elepante e mani... oo mani ng elepante... malaking malaking mani ng elepante... aanhin mo ang mani ng elepante?... mabalik tayo sa mga aso... iba kasi ang naiisip ko pag aso ang nagmamahal... yung tipong kahit saan pede silang "magmahalan"... kahit makita ng lahat ok lang... siguro ganun yung puppy love... di sila nahihiyang ipakita na mahal nila yung tao kahit saan.. kahit kanino... mga walang hiya ang nagkakapuppy love... biro lang... dyan din nauuso ang HHWW... ano yan? naku naman, taong tabon ka ba? di mo alam ang HHWW? yan yung holding hand while walking... nauuso at nagsisimulan sa mga puppy love... yung tipong ipagpipilitan talgang maghawak kamay kahit na ang daming dala dala... yan din yung eksena ng mga love team na "kilig" moments... pag nagHHWW yung mga bida... siguro kaya puppy love e bata pa kasi... kaya puppy... pag malalaki na sila, dog style na ang love... ano ba ang malaking puppy? e di dog... kaya dog style... yung iba di na cute tignan... di na kasing cute ng puppy... yung iba nagiging bitch na din... di ako nagmumura... ang bitch ay babaeng aso... now u know... yup... cute na cute tingnan ang mga batang under sa spell ng puppy love... pag lumaki na, kapag totoo na, dun na magsisimula ang kalbaryo... di na laro ang lahat...

yung mga crush at puppy love e mga training grounds lang... para maging matatag yung mga tao... kasi kapag totohanan na, madami ng problema... di na laging masaya... nangangalahati pa lang ako ang haba na... nagugutom na ko... nakakagutom ang amoy ng sunog na sinaing... nasunog nanaman... hhhmmm... parang kape ang amoy... mamaya susulat ulit ako, o bukas... o sa isang linggo... secret ko muna kung kelan... para suspense ang dating... hhhmmm...

kaw nagkacrush ka na ba? imposiboleng hindi... hindi ka tao nyan... nainlab ka na ba? wag mag emo, walang taong di nagmamahal... natural sa tao ang magmahal, kahit alam ng lahat na di madali... puno ng problema? e ano naman... basta naging masaya... kahit konting sandali lang...

Martes, Disyembre 1, 2009

Pagmamahal

O pag ibig pag napasok sa pusod nino man... hahamakin ang lahat mailabas ka lamang... parang yan yung natatandaan kong tula... parang may mali... corrupted na ata ang utak ko, pati mga alaala ko e naiba bigla...

Sa pagkakataong ito, susubukan kong tingnan at suriin ang aking saloobin tungkol sa pagmamahal, o pagibig... walang makekealam... mundo ko ito... ako pa din ang bida... hhhmmm... ano nga ba ang pagmamahal? ano nga ba ang pagibig? itanong mo sa isang bata kung ano ang "love" malamang sa hindi e takbuhan ka lang ng bata... lalo na pag hindi mo naman kilala at bigla mong lalapitan sa kanto at itatanong..."ano ba ang love?"... dyusme... para kang predator... pero kung close mo naman na ang bata at kapag itinanong mo yan ang isasagot nila... "enge munang 5 pesos..." tama... kailangang may kapalit muna bago sila magsalita... at 5 pesos na... nung panahon ko piso lang kasi madami pang nabibili ang piso... may kendi pang piso, ngayong 1.25 na... o 3 for 2 pesos... buhay nga naman, parang life ika nga... kung mabibigyan mo na ng 5 pesos yung bata, ibubulong nya ang sagot na... "secret" sabay takbo... ayan, nagoyo ka nanaman... sayang ang 5 pesos, isang RC cola din yun... sa bata pa kasi nagtanong... hhhmm... naniniwala ako na para sa mga bata ang pagibig ay kung saan sila masaya... yun ang nagmamahal... nagmamahal sila dahil gusto nilang maging masaya... at normal sa isang bata ang magnais na maging masaya... kaya ang sabi ng nakararami, pinanganak ang mga bata para magmahal... di nila iniintindi ang dikta ng nasa paligid nila... ika nga e "pure" pa sila... kaya malapit kay BRO... yan din ang dahilan kung bakit si santino ay bata... imagine kung matanda yun... di kanais nais tingnan... bababa ang rating ng ABS CBN, at wala pang isang linggo, tanggal na ang show... mamamtay na lahat ng character... at magsisilipatan sa ibang station ang mga artista... ang daming nangyari nu... naging OA na...

e ano naman ang pagibig para sa isang nagbibinata? o nagdadalaga? naku... mahirap sagutin... napadaanan ko na yan... oo maniwala ka man o hindi, dumaan din ako dyan... di naman ako dumami dahil nabasa lang ako... o biglang iniluwa ng lupa para mabuhay.. pero may kilala akong ganyan... niluwa ng lupa tapos nabuhay na... kalimutan na natin ang lamang lupang yun, ako muna ang bida... naalala ko ang mga scrapbook... mga piraso ng makukulay na papel na kailangang fill-upan para maging in ka... oo, kahit lalaki kailangang ifill up yun para mapagkalat ng may-ari kung sino ang crush mo... pero syempre di nila sasabihing napagkalat nila... malalaman din naman ng iba yun malamang... paano nila malalaman? simple... babasahin nila kasi mangongopya sila ng motto ng iba o yung mga sagot ng cool pakingggan o mga fav song na di nila maalala ang title... kumalat na tuloy ang secret mo... sa scrapbook may part dun na about sa love mo... define love... naku, di mamatay matay ang sagot na ang pagibig ay isang rosaryo, puno ng misteryo... lalo na ngayon, nadagdagn pa ng isang misteryo ang rosaryo... ang dating, mas may misteryo talaga ang paibig... o yung sagot na "love hurts"... kung titignan mo tuloy, may emo na kahit nung panahon namin... yun nga lang ang emo samin e di mahilig magsuot ng black at magemote habang may pagkaogrish ang mga kulay ng print sa damit... yung tipong may bungo o dugo na pulang pula ang kulay... di din sila mahilig mageyeliner ng makapal at maglagay ng johnson baby powder sa mukha para maging mas maputla sila sa mga geisha... ang emo noon, parang normal na binata lang... medo makapal lang ang buhok at may chains na gawa sa takip ng lata ng softdrinks... ngayon ata para sa mga skater na yun... oo, yung may dala dalang skateboard... bakit dala dala? minsan di naman sila marunong gumamit daladala lang... fashion statement kumbaga... mga trasher ang tawag ng iba sa kanila... from the word trash... may pagkamukhang madungis kung titignan... sabi ng iba, amoy trash din daw... ikaw ba naman magskateboard sa init ng araw sa loob ng buong maghapon, feeling mo mangangamoy joel cruz ka pa din? di mo kilala yun? yung may mahabang buhok na nakangiti kahit mukhang malungkot... hanapin mo na lang sa EDSA o sa mall yung mga poster... nalayo nanaman ako.. anak ng tinapang binalot sa chinese na dyaryo... balik ulit sa topic... pagibig... mysterious... it hurts... minsan pa may sasagot na M2M... sa mga green ang pagiisip, di yan men to men... many to mention yan... at yan ay nilalagay sa mga tanong na wala kang maisagot... m2m... o sobrang daming pedeng sagot na kulang pa ang 15 page "commonbond" back to back singel space times new roman 12 font para mapunan... parang ng mga binata at dalaga pa tayo e magulo ang pagibig... sobrang gulo... may ups and down na... parang gulong talaga... minsan bilog, minsan oblong pag flat... pero may taas at baba pa din... di naman nawawala yun... para sa akin, bago mo masabing nagmahal ka ng totoo, dapat naramdaman mo ng masaktan... papaano mo malalamang masarap ang isang bagay kung di ka pa nakakatikim ng pangit na lasa? sabi nga nila, kapag napagdaanan mo na ang lahat ng pagsubok, mas masarap ang tagumpay... ganyan din sa love... kaya naman sangkatutak ang uri ng love pag nagbibinata o nagdadalaga ka na...

Ano ano yun? mamaya isusulat ko ulit... kapag may panahon... kapag may bumubulong sakin na sumulat ulit... biro lang... wala akong nakikitang di nyo nakikita... "i dont see dead people" pero " i want some people dead"... sino yun? secret...

Sayo ano ba ang pag-ibig? Masarap bang magmahal kung kasama nito ay masaktan? kung saan ka masaya... suportahan ta ka...

TEXTMATE

Ang cool talaga ng blog, kahit ano pede mong gawing pamagat... kahit "pamagat" pede mong gawing title... "Burnek"... "Itlog"... "Pinya"... "Talong"... kahit ano pede... teka parang bahay kubo ang labas ah... pero bakit kaya ganyan ang pamagat ko ngayon... textmate... hulaan nyo... di ko sasabihin... sige na nga, baka di nyo pa basahin ang post ko... sa totoo lang... yan ang unag pumasok sa utak ko ng sinisimulan ko ng magtype ng title... gusto ko sanang gawing pamagat e "JUN" bilang pagtanaw sa nasakyan kong taxi kanina na ang driver ay si kuya JUN... ang ang totoong pangalan pla ay "JUNATAN"... pero yan ang lumabas e... textmate... siguro dahil nitong umaga nabuhay ulit ang text life ko... oo may buhay din naman ako... di ako geek... freak lang ata... hhhmmm.... magaalas 9 na umaga nagtext saakin si kenneth... sino si kenneth?! secret na yun... biro lang... si kenneth ang akng co-researcher number 1... nagchechemotherapy siya... parang ang pangit pakinggan ng "co-researcher 1"... parang tinanggal ang pagkabata nila... ang kanilang pagkakakilanlan... ganyan kasi sa "traditional" na paraan... lalagyan mo sila ng "code"... pero tama ba yun?... di ba mas maganda kung gagamitin na lang natin ang pangalan nila... kung papaano ka nakikila ng ibang tao... sa ganitong paraan, binibigyan natin sila ng pagkakataong makilala kung sino talaga sila... ikaw, kung magiging "participant" ka sa isang pananaliksik, anong gusto mong itawag sayo? "14344"? "666"? "069"?... mas madali nga naman kung may "code"... mas madali para kanino?... para sa mga nananaliksik...

minsan, ginagawa natin ang mga bagay para mas mapadali ito para sa atin... oo sa atin... di sa iba... kumbaga, sarili muna bago ang iba... tama kaya un? sino ba ang dapat nating unahin, yung sarili mo o yung iba? tanong mo sa katulong namin ang isasagot .... "EWAN KO SAYO! MAGLULUTO PA KO!"... word of wisdom... parang salita galing sa isang "SAGE"... dapat igalang... i"treasure"... anong ibig nyang sabihin dun? ewan ko sa kanya... pakiramdam ko nalanghap nya ang mga tagas ng shellane namin kaya ganun... o natali sa puno ng malunggay ang hibla ng buhok kaya medyo nagkasayad... opinion ko lang naman... nawala tuloy ako sa topic ko... balik balik... sino ang uunahin mo? kung sakaling nakasakay ka sa isang submarine at napansin mong lumulubog na sino ang ililigtas mo sa kasama mo sakaling isa lang ang pede?... ako wala... kwentong barbero yan... kwento ng mga high sa kanto... o ng mga lasing... di naman dapat magpanic kasi submarine... pero pag nasagot mo babanat sila bigla na nasira yung submarine kaya talgang lulubog na... ok fine... isa lang daw ililigtas... uunahin mo ba ang magulang mo bago ikaw? kung sila, sino sa kanila? o uunahin mo ang mga kapatid mo? pano kung 15 kayong magkakapatid na tig 10 mos lang ang pagitan?... ika nga 9 na buwan buntis, 2 linggo pahinga, 2 linggo gawa... 10 mos talga ang pagitan... sino uunahin mo sa kanila? o kung pakiramdam mo e nagiisa ka sa buhay at di ka lab ng pamilya mo at nagfefeeling emo ka kadalasan na ang motto e... "IT HURT U KNOW"... sino sa mga kaibigan mo ang ililigtas mo? di kaya magtampo ang mga di mapipili lalo na kung naririnig nila ang sagot mo? "ililigtas ko si bruno" pero ang bestfriend mo e c anton... bakit si bruno? ewan ko, bakit nga ba... o kung teenager ka sino ang pipiliin mo, yung bestfriend mong opposite sex o yung current gf mo? current kasi sa huli maghihiwalay kayo kung yung besfriend mo yung pinili mo dahil magseselos ang gf mo o marerealize mo sa huli na yung bestfriend mo e mas mahal mo na sa gf mo kasi kasama mong magmall at maglaro ng DOTA... oo DOTA na ang sukatan ng pagmamahal... sa mundong ibang tao... sino ang pipiliin mo??? sino ang mas mahalaga? kapag pinili mo ba ang isang tao sa iba mas mahal at mas mahalaga na siya? pano kung nabulag ka lang?... gawin na lang nating napuwing... kung nabulag kasi di ka na makakakita... sa buhay, lahat ay umiikot sa isang desisyon... pagpili ng isang bagay kumpara sa iba...

naku... ang layo nanaman sa textmate... utak ko talaga... di pa kasi sanay magblog... parang kwentong lasing nanaman... lasing na kung lasing... basta may sense kausap... sabi nga ng isang lumang kanta... "umiinom man ng marame, kahit na ba balde balde, basta hindi lasenggo..." e ano ang tawag dun?! GLUTON... hhhhmmm....

Mamaya ulit... pag gumana na ang utak ko... magsulat... makipagtalastasan... magblog... magkwento... may nakikinig kaya? may nakakabasa? e ano naman kung wala...

Lunes, Nobyembre 30, 2009

Pagmumuni Muni sa Nakaraan

Ano bang nakain ko at ngayon ko lang natripan magblog... mas nakakaexcite kasi ang facebook... yun nga lang, nauubos ang oras mo sa mga games, konti na lang ang time sa chat at kung madami kang friends... susmaryosep, 300+ ang mga paskil mo per hour! pano mo mababasa yun... hhhhmmm... feeling ko tuloy nawawala na ang "interaction" ko sa mga kapwa ko "imaginary" friends... "imaginary" kasi di ka sigurado kung sila ba talaga yung kachat mo... baka hacker na yan... o kaya yung nanay o kapatid, lalo na pag nakalimutan ilogout yung facebook... patay kang bata ka... bistado tuloy ang "relationship" status mo... at mga pictures na bangag ka sa kalasingan na tinag lang ng kasama mong walang magawa... siguro nga ito ang tamang panahon para magblog... ang blogging kasi para sa akin e yung mas mataas na "level" ng pagiging adik sa facebook... o pananaw ko lang yan... walang sakitan ng loob... para sakin kasi pag medyo nagsawa ka na sa facebook, yung tipong inaaalarm mo yung orasan mo para siguradong mahaharvest mo ang mga tanim mo sa farmville at di mabulok o kaya makuha mga niluto sa cafe world para di mapanis, e next level na ang magblog... kasi may 4 hours ka pang gugugulin sa kung ano anong anek anek sa internet habang hinihintay mong lumaki ang pananim, o maluto ang mga sangkap o magrejuvinate ang mga powers mo...

Para sa akin, ito ang mga panahong dapat e magtry kang magblog... sa umpisa, feeling mo e bangag ka, kasi nagfefeeling kang isang "story teller", yung tipong reporter ng the correspondent o ng probe team o ng reporter's notebook... sinusubukan mong magkwento ng buhay mo... ang malaking problema, ano ang ikukuwento mo sa buhay mo... lalo na kung feeling mo wala namang kakaiba... yan ang lagi kong tanong sa mga "imaginary" kong kaibigan sa facebook... kamusta... tapos ang isasagot nila e... "k lang" tapos ang usapan... friendship over... hindi naman... hhhmmm... siguro naman may laging kakaibang pangyayari sa buhay natin na pedeng ikwento at kapulutan ng aral... di ka man babaeng pinagaagawan ng taong lobong may 8 packs abs at bampirang nasobrahan ng chinsatsu, siguro may mga bagay na pede ka pa ring i"share"... di naman kailangang maging hunted house ang bahay mo at lagyan ng video tape ang kwarto habang unti unting nauulol ang mga kasamahan mo sa bahay para masabing "cool" at "unique" ang kwento mo... kanya kanyang paraan lang... di kailangang kumain ka ng mga blades at magpa MRI ka para dumikit ang mga blades sa malaking magnet na yun para masabing kakaiba ang nangyari sa buhay mo...

Nagtatanong siguro ang mga nakakabasa nito.... anong konek ng post na ito sa blog ko... oo nga naman, parang wala... may paresearcher's world pang nalalaman, parang nagfefeeling matalino lang... meron din naman... feeling ko meron din kahit papaano... sino ba ang bida dito? di ba ako? hhhmmm... walang kokontra, blog ko to e... ako ang mananaliksik... naniniwala akong mas magandang makilala muna ang nananaliksik bago pagsusapan ang sinasaliksik... sa mga post na ito, sinusubukan kong ipakita kung papaanong magisip ang katulad kong henyo... walang kokontra... wag magalala, darating din ang panahong makikilala nyo ang mga totoong bida sa blog na ito... ang mundo nila... ang mga buhay nila... pero habang hindi pa hinog ang panahon... pagbigyan nyo akong maginarte muna at maging bida pansamantala...

Gusto mo ding maging bida? Blog ka din... wala mang magbabasa nito sure ka namang nababasa ito ni BRO... PANALO TALGA SI BRO!

Bakit, Bakit at Isa Pang Bakit...

Ang buhay ay puno ng katanungan... Anong nais ng mga taong maintindihan ang mga bagay bagay... at ang pinakamadaling paraan para maintindihan ito ay magtanong... bakit...

Bakit ganyan ang titulo ng blog? ang baduy... hhhmmm... sa unang tingin baduy talaga... pero kung iintindihing maigi, di maitatagong may kabuluhan din ang titulong yan... Mananaliksik... yan ako... yan lahat tayo... naniniwala ako na lahat ng tao ay naghahangad na malaman ang mga katotohanan sa paligid nya... sa kagustuhang yon, nagiging mananaliksik siya... ng buhay... malamang iisipin ng iba ang "weird" ko talaga... salamat... mas nanaisin ko pang maging iba... kesa maging sunod sunuran sa dikta ng ibang tao... di ko ninais na makain ng paniniwala ng iba at sa kalaunan ay mawalan ng pagkakakilanlan sa sarili...

Bakit Filipino ang salita ng blog? Trip ko lang... para maiba... hhhmmm... sa kabilang banda, nais kong mas maintindihan ng nakararami ang mga pahiwatig at nilalaman ng aking blog... wag magalala, may mga panahong magtataglish din ako... para magmukhang conyo kahit papaano... naniniwala ako na ang pinakamagandang lengguwahe ay yung naiintindihan ng nakararami... naiintindihan ng mga taong gusto mong kausapin... sabi nga ni boy abunda... "tara usap tayo"... ganito ang gusto kong paraang tumakbo ang blog na ito... parang nakikipagusap lang ako... Pilipino ang ginagamit sa pakikipagusap... at mas komportable akong makipagtalastasan sa wikang tagalog... baka pag sinubukan kong magenglish walang makaintindi... di ako magaling sa english, inaamin ko yun... ang lagi ko lang nasasabi kapag nagdedebate ang mga kasama kong conyo noong college ay... "yes! i agree" o kung hindi "No, I don't"... para maging in kahit papaano...

Bakit ako nagblog? Simple lang... nakalimutan ko tuloy ang dahilan... gusto ko lang may makaalam ng mga nilalaman ng aking isip... sa panahong sinasaliksik ko ang aking thesis... "Experiences of Adolescents Undergoing Chemotherapy: A Phenomenological Inquiry"... ano yan? Titulo yan ng "thesis" ko sa Masteral... parang galing sa ibang planeta... maniwala ka man o hindi, sa "earth" ko gagawin yan...

Nais kong talakayin kung ano ang buhay ng isang nagbibinata o nagdadala habang sumasailalim sila sa "chemotherapy"... simple lang kung titignan pero madugo... sobrang madugo... parang ogrish... first blood kumbaga sa DOTA... gusto kong isalaysay kung papaanong ang pagsasaliksik kong ito ay unti-unting magpapabago sa mga pananaw ko sa buhay at sa mga bagay bagay... lahat ay nagbabago... Minsan parang may "derailment of thought" o"associative looseness" ang mga post ko... hindi po ako baliw... wala pa akong sayad... sa ngayon... ewan ko lang pagkatapos kong maisulat ang aking "thesis" ko... hhhmmmm... ganyan naman talga kung papaano tayo magkwento... magsisimula sa isang "topic" matatapos sa iba... parang mga lasing... pero di ako lasing... ang lahat ng isusulat ko dito ay di naedit... sinusulat ko kung papaano ko gustong isulat... NO ERASURES... walang balikan... ika nga sa chess walang "GARTER"... TOUCH MOVE"...

Anong makukuha ko sa blog na ito? sa totoo lang, di ko din alam... ang nasa isip ko lang, gusto kong may makaalam ng mga nilalaman ng buhay ng mga batang ito... di man sila bigyan ng pagkakataong masabi sa iba, nabigyan naman ako ng pagkakataong ikwento ang mga ito... malay natin maging CNN hero pa ko... hhmmm... malabog mangyari... hhhmmm...

Bakit?! Bakit Hindi....

Linggo, Nobyembre 29, 2009

Sa Katapusan ay may Simula... Sa Simula ay may Katapusan...

Sa pagkakataong ito nilabag ko ang sarili kong paniniwala... "hindi ako magbloblog kailan man dahil para sa mga losers lang to"... hhhhhmmm... nagkamali pala ako... Noong una, inakala ko na ang mga blog ay para lamang sa mga taong walang magawa sa buhay at ninanais magkaroon ng "audience". Kaya nga diairy, dapat "secret"lang... Tapos naging "online diary"... malamang mababasa ng maraming tao ang mga nilalagay mo...

inaamin ko... naging sarado ako... pinilit ikahon ang isang bagay... lagyan ng hangganan ang mga bagay bagay... at dahil doon, naging makitid ang pananaw ko... pinilit iugnay ang mga nakikita at nadarama ng iba sa sarili... parang toddler lang... kung di magtutugma sa aking pananaw, tinitignan ko ito ng may pagdududa...

nagkamali ako...


di pala lahat ng nagbloblog e mga KSP... yung iba super KSP lang... hhhhmmm.... yung iba naman, nagbloblog dahil gusto nilang may makarinig ng kanilang pananaw... ng kanilang hinaing... ng kanilang buhay... sa panahon ngayon, di sa lahat ng oras nandiriyan ang mga taong mahalaga sayo... mga kapamilya, kapuso at kaibigan... meron din silang buhay... may mga problema din... kaya may mga panahong wala sila kung kailan mo kailangan... wala sila kung kailan gusto mong magkwento kung gaano kacute ang nakita mo sa mall... o kung gaano ka naasar sa titser mong walang tinuro kundi lumandi sa classroom... o sa school director na hanggang front desk amoy ang lansa at baho ng leeg... dito pumapaasok ang blog... ang facebook... ang internet... dito di nawawalan ng tao... magkakaroon ka pa ng "followers", mga taong pedeng pansamantalang ihalili sa pagnanasa ng lahat sa interaksiyon... gaano man natin itanggi, di kayang mabuhay ng taong mag-isa... kahit may pc at internet ka pa, di kapa din magiisa... cge imagine na nagfafacebook ka pero ala kang friends... sino ang magfefertilize ng farmville mo? sinong titikim ng mga niluto mo sa cafe world? sinong magnanakaw sa mga tanim mo sa barn buddy o country story? walang magcocomment sa mga post mong nilagay para mapansin ka ng crush mo? at wala kang itatag sa mga pictures... di ba nakakalungkot yun...

Natutunan kong di lahat ng bagay na di sangayon sa sarili mong paniniwala ay mali o masama... di mo lang inintindi... di mo lang binigyan ng tsansang tignan ang bagay na yun kung papaano nila tignan...

Sabi nga ng titser mo sa English noon... "Meanings are in People, we Communicate Words not meanings"... natandaan ko yan di dahil maganda, kundi dahil para siyang may autism nung sinasabi nya yan... ngayon ko lang lubusang naintindihan... pero di ko pa din makalimutan ang mukha nya... hmmm....

Para sa mga taong nasabihan ko na ang blog ay para lang sa mga losser... patawad... kung totoo nga ang sinabi ko noon, ituring nyo na din akong losser... hhhmmm... hindi masama maging iba... hindi kasalanan kung hindi ka maintindihan ng mga tao sa paligid mo... sila na ang may problema.. hindi ikaw...